Linggo, Agosto 14, 2011

Nilunok Kong Lahat

Matangkad, mayaman,gwapo ,at higit  sa lahat, magaling magbasketball...Pero di ko lubos maintindihan kung bakit suklam na suklam ako sa kanya..Tingin ko napakayabang nya,.kaya sa tuwing nakikita ko sya ay kumukulo agad ang dugo ko.Naiinis ako kapag tinutukso kami ng mga kaibigan ko.Hindi ko gusto ang lahat lahat  sa kanya.Bawat kilos niya na kahit mabuti naman ay minamasama ko agad.Kaya naman nang manligaw siya sa akin ay kulang nalang ay masuka ako para lang iparamdam sa kanya na di ko talaga siya magugustuhan.Sinabi ko pa na "Kahit siya nalang ang lalaking natitira sa mundo , ay hindi ko talaga siya magugustuhan.


      Nagtataka ang lahat ng mga kaibigan ko kung bakit ko ginawa iyon..Pero hindi ko sila pinansin.Masyado akong nag focus sa pag-aaral ko.Ngunit matigas pala ang ulo ng lalaking yun.,Nanligaw ulit sa akin.At paulit-ulit ko syang Binasted.Hanggang dumating sa punto na napagod na siya at nakapagpasyang ibaling nalang ang pagtingin niya sa iba.


     Hindi ko akalaing masasaktan pala ako.HIndi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang mabalitaan ko iyon.Nakita ko nalang ang sarili ko na hinihiling na sana maibalik ko ang panahon>,doon ko lang naisip na kaya ako nagagalit sa kanya ay dahil gusto kong nasa akin lang ang atensyon nya, na gusto ko pala sya>,


    Kaya naman laking tuwa ko nang malaman kong naghiwalay na sila ng girlfriend niya.,at muli ay naglakas loob syang niligawan uli  ako.,.apat na taon syang nanliligaw sa akin,ngunit doon ko lang napansin ang kabaitan at kagwapuhan nya..Syempre nahihiya ako dahil nga nasaktan ko talaga sya noon.

   Ngunit kung kailan ko na sana sya sasagutin, at maranasan kung paano magkaroon ng nobyo, ay doon pa napagdesisyunan ng mga magulang ko na dito ako mag-aral sa Manila ng Kolehiyo.At naudlot na naman ang sanay pagsagot ko sa kanya.

   Willing naman daw sya maghintay hanggang sa bumalik ako.. Pero hindi kami nangako sapagkat hindi namin hawak ang panahon>.,marami pa kaming makikila at bata pa kami>,.Pero sana nga makapaghintay sya.,.,Sana.,.,Sana^^.,.,

3 komento: