Miyerkules, Agosto 24, 2011

First time ko sa Kolehiyo

     Nakakahiya man aminin pero talagang late ako ng 1 week sa pagpasok sa new school ko.At in all fairnes nabigla ako.Akala ko madami kami, konti lang pala.
     Ang mas nakakahiya dahil parang ang sama  ng tingin ng new classmate ko sa akin tapos pinaparinggan pa ako ng isa kong kaklase.At higit sa lahat, binato pa niya ako ng papel. Ang pangalan niya ay Dancel Corpuz.
 Ang akala niya hindi ko siya papatulan,eh natuto ako kung paano maging palaban.Ilang beses niya akong inaasar pero hindi ko nalang siya pinapansin.
    

     Hanggang sa dumating ang English period namin,first time ko pa nun.Nagtataka ako kung bakit napakatahimik nila,eh ang bait naman ng instructor namin. Nang nagtanong na siya, since walang may gustong sumagot,nakakahiya man kasi baguhan palang ako , nag taas nalang ako ng kamay at sinagot ko ang tanong ni Sir Gary.  
     Pagkatapos kong sumagot,nabigla talaga ako kasi nagpalakpakan silang lahat. hindi ko naman alam kung bakit..haha> Nag-blush talaga ako that time.

    Simula nun ay palagi na nila akong pinapansin at marami na akong kaibigan dito a new school ko>
So far, Im enjoying my stay here. That's all!
    (share share lang poh).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento