Linggo, Agosto 14, 2011

Kaibigan Ko, Karibal Ko!

  I.       Isang matalik na kaibigan kung siya'y aking ituring,
           Sapagkat sa lahat ng oras, agad syang dumarating.
           Maging  ito'y kasayahan  o isang suliranin,
           Kasing bilis ng kidlat kung siya'y dumamay sa akin.

II.       Subalit hindi ko lubos maisip
          Iniibig ko pala'y palihim niyang sinisilip.
          Mga payo niya a akin kanyang iwinaglit,
          Aking mahal ay kanyang inakit.

III.     At ang sa aki'y pinakamahapdi,
          'pagkat a aming dalawa'y siya ang pinili.
          Kaya napakahirap para sa akin na tanggapin,
          Ang sitwasyong kinasadlakan namin.

 IV.     Ngayon ko lang napagtanto,
          Matalik kong kaibiga'y di totoo.
          Bakit ako ang nakararana nito? 
          Noo'y Kaibigan ko,ngayo'y Karibal ko!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento